-- Advertisements --
image 315

Hinihimok ng Civil Service Commission ang lahat ng government employees na gamitin ang Philippine Tropical Fabrics bilang materyales sa kanilang mga uniporme.

Ito raw ay bilang pagpapakita at upang maitatak sa mga public officials and employees ang pagiging makabayan.

Ang Philippine Tropical Fabrics ay gawa sa natural textile fibers mula sa pineapple leaf, abaca, banana at Philippine Silk.

Ayon kay Sherley Barberan isang Local Government Unit Employee sa Pasay City maganda raw itong paghihimok ng Civil Service Commission dahil maipadadama natin sa buong mundo na tayo ay may sariling atin.

Dagdag pa niya, kung sakali man na ito ay mangyayari ay maipapakita rin ng mga empleyado ang kanilang suporta sa mga magsasaka ng bansa.

Samantala, itong pag gamit ng Philippine Tropical Fabrics sa mga uniporme ng Public Officials at Employees ay nakapaloob sa Republic Act 9242.