-- Advertisements --
image 91

Naki isa ang Civil Service Commission kasabay ng pag diriwang ng Araw ng Kagitingan sa pamamagitan ng pag himok sa 1.8 million na lingkod bayan na gawing inspirasyon ang mga bayaning nag alay ng sarili para sa bayan.

Inihalimbawa ni Civil Service Commission Chairperson Atty. Karlo Nograles ang kagitingan ng isang civil servant, siya ay si Jose Abad Santos.

Ang mismong Presidente ng bansa noon na si Pangulong Manuel Quezon ay ipinagkatiwala sa kanya ang National Government sa ilang mga teritoryo.

Nang mahuli siya ng mga Hapon sa Cebu, ay hindi siya nagbigay ng kahit isang impormasyon laban sa bansa.

Siya ay pinatawan ng parusang kamatayan at pinatay sa harap ng kanyang anak.

Ang huling binitawang salita niya ay isang karangalan ang mamatay para sa kanyang bansa.

Ang pagkamatay ng ating mga bayani ay nagsisilbing paalala kung gaano kahalaga ang kapayapaan at kalayaang ating tinatamasa ngayon.

Samantala, sa ibang balita naman, suportado ng Civil Service Commission ang kampanya laban sa malnutrition kasabay ng paglunsad ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Project.

Ito ay isang hakbang umano sa pagbuo ng sa matatag at maunlad na pundasyon ng ekonomiya.

Naniniwala ang ahensya na ang pagpromote ng healthcare at nutrisyon sa bansa ay makatutulong rin sa epektibong human resource management at magreresulta ng competent government workforce.