Isinusulong ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang Senate Bill No. 131 o ang “Civil Service Security of Tenure Act” na layuning matigil na ang “endo” sa mga casual at contractual workers sa gobyerno.
Ito ay matapos madiskubre na ang limang rescuers na namatay sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Karding sa Bulacan ay mga casual employees kahit nasa 20 taon na silang nagseserbisyo.
Sinabi ni Villanueva, magiging wake-up call ang nangyari sa limang rescuers sa gobyerno para seryosohin ang security of tenure ng mga manggagawa. Batay sa panukalang batas, mabibigyan na ng permanent appointments sa mga casual at contractual employees na maayos at tuloy-tuloy na nakapagtrabaho na ng limang taon National Government o anima na taon sa Local Government Units.
Iginiit ni Villanueva na huwag ng maulit ang nangyari sa limang rescuers na namatay na lang na hindi man lang naging permanente kahit ilang taon na sa serbisyo