-- Advertisements --
(c) Libya

Muling inalerto ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong nasa Libya dahil sa inaasahan pa raw na pagtindi ng civil war sa capital city ng Tripoli.

Sa isang panayam sinabi ni DFA Usec. Elmer Cato na nananatiling normal ang sitwasyon sa kabisera at tila business as usual pa sa kabila ng mga putukan ilang kilometro mula rito.

Pero inaasahan pa rin daw na lalala ang tensyon dahil mas dumami pa ang pwersa ng parehong panig ng Libyan National Army ni Khalifa Hifter at tropa ng gobyerno na sinusuportahan ng United Nations.

Nauna ng itinaas ng DFA sa Alert Level 3 ang ilang bahagi ng Libya, pero hindi pa makapaglabas ng deployment ban ang Department of Labor and Employment (DOLE) dahil wala pang official notice ang kagawaran hinggil dito.

Sa ngayon 11 OFW pa lang daw ang lumapit sa embahada para mag-request ng repatriation o paguwi rito sa Pilipinas.