-- Advertisements --

Patay ang isang civilian contractor dahil sa rocket attack sa US-led forces sa northern Iraq.

Tumama ang rocket sa military air base na inooperate ng coaltion sa Erbil International Airport.

Inako ng maliit na grupo na konektado sa Iran.

Isang 107 mm na rocket ang tumama na ikinasawi ng isang contractor at ikinasugat ng isang US service member.

Paglilinaw din ng coalition na hindi American ang nasawing contractor.