-- Advertisements --

Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang ilang civilian groups para matulungan ang mga kapulisan sa paglaban sa krimen.

Isinagawa ng pangulo ang nasabing anunsiyo sa pagdalo niya sa paglulunsad ng Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups at Force Multipliers sa Camp Crame.

Ang nasabing coalition ay binbuo ng mga civilian organization na magsisilbing katuwang ng mga kapulisan hindi lamang laban sa krimen at sa halip ay maging sa police community relations programs.

Pinaalalahan din nito ang mga kapulisan na kapag ayaw sumuko at nanlaban ang mga inaarestong suspek ay dapat na unahan ang mga ito.