Naglayag na ang civilian convoy mula Zambales kaninang umaga patungo sa Panatag shoal sa West Philippine Sea.
Ineskortan naman ng PCG ang convoy na binubuo ng 100 bangka.
Ayon sa organizer ng civilian mission na Atin Ito Coalition, maglalagay sila ng symbolic markers o mga boya sa loob ng exclusive economic zone ng bansa.
Kalakip nito ang paghahatid ng essential supplies gaya ng langis para sa mga mangingisdang Pilipino sa lugar.
Ang civilian mission ay itinuloy pa rin sa kabila ng mga ulat ng umano’y malaking pwersa ng Chinese vessels na bumubuo ng blocking formation sa Panatag shoal.
Binigyang diin ni Atin Ito co-convenor at Akbayan president Rafaela David na isang legitimate excercise ng karapatan ng mamamayang Pilipino at sovereign rights ng bansa base sa international law ang mapayapang civilian mission na nakatakdang magtapos sa Biyernes, Mayo 17.