-- Advertisements --
CJ SC peralta

Nagpadala nang sulat si Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta sa kanyang mga kasamahang mahistrado para iparating ang kanyang early retirement o mas maagang pagreretiro.

Batay sa mapagkakatiwalaang source ng Bombo Radyp Philippines, nakasaad daw sa sulat na maghahain ito ng early retirement sa Marso 27, 2021 o sa kanyang ika-69 na kaarawan.

Wala naman itong ibinigay na rason sa kanyang maagang pagreretiro.

Si Peralta na na-appoint noong nakaraang taon ay sa 2022 pa sana nakatakdang magretiro sa mandatory retirement na 70-anyos.

Samantala naglabas na rin ng statemen si Supreme Court spokesman Bryan Keith Hosaka upang kumpirmahin ang naging statement Peralta.

“For those asking about the purported letter of Chief Justice Diosdado Peralta to his colleagues in the Supreme Court, signifying his intention to avail of early retirement, I have asked him personally and he confirmed it,” ani Hosaka sa media statement. “The Chief Justice did not elaborate further but said that he will make a formal announcement in due time. Thank you.”