BUTUAN CITY – Kasabay sa pagdiriwang ngayong araw sa ika-500 anibersaryo ng unang misa na naganap dito sa Pilipinas, muling papalakasin ng mga local historians sa pangunguna ni Fr. Joesilo Amalla na dito sa Mazaua, Butuan City ito idinaos at hindi sa Limasawa, Leyte.
Isinagawa ang unang misa nang dumaong ang mga Espanyol sa pangunguna ng Portuguese explorer na syang nanguna sa Spanish Expedition sa East Indies na si Ferdinand Magellan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Fr. Amalla na ipagpatuloy ng kanilang grupo ang pagsisikap na mapalitan na ang kasaysayan kaugnay sa unang misa dahil sa dami nilang mga dokumento at ebidensya.
Kasama na dito ang mga primary at secondary sources pati na ang mga cartographic ug scientific maps kungsaan iilan sa mga ito ay mula pa sa Espanya.