Claim ng disputed WPS ng past Aquino admin, aktibong naibalik ng Marcos leadership vs.China
CAGAYAN DE ORO CITY – Dinugtungan at ipinagpatuloy ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nasimulan ni late President Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III ang aktibong legal claim ng Pilipinas sa mga isla ng West Philippine Sea.
Tinukoy ni Cagayan de Oro 2nd District Congressman Rufus Rodriguez ang tila malaking kaibahan ng foreign policy ni Marcos at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa usaping territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at China.
Salaysay ni Rodriguez na kabilang siya na ipinatawag noon ni Aquino sa Malakanyang patungkol sa usapin dahil nagsilbi rin itong international lawyer kaya nakapag-desisyon ang Pilipinas na tuluyang sampahan ang Tsina sa arbitrary tribunal.
Subalit hindi ito isinulong at ginamit ng Duterte administration bagkus ay ibang foreign policy approach ang sinunod ng Pilipinas patungo sa Tsina.
Ito ang dahilan na litaw na litaw ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na maipagpatuloy ang nasimulan ng Aquino leadership at dinagdagan na ipakita sa buong mundo ang agression at pangbu-bully ng Tsina sa lahat ng mga aktibidad na ng Pilipinas sa WPS viccinity.
Sariling pananaw rin ni Rodriguez na tila maingat ang Tsina na hindi magsisimula ng giyera dahil tiyak na mahirapan itong tapatan ang global action na kontra sa kanilang ilegal na panghihimasok sa Pilipinas.