Malaki ang pasasalamat ni Claire Dela Fuente na hindi naging matindi ang kanyang kinasangkutang aksidente sa sariling restaurant kaninang hatinggabi lamang.
Mismong ang singer at negosyante ang nagsapubliko online sa kanyang sinapit kalakip ang larawan ng kanyang nakabalot na kamay.
Ayon sa tinaguriang Jukebox Queen, nagtamo siya ng minor injuries matapos mabiyak ang glass door ng kanyang pag-aaring establishment kung saan saktong nakahawak siya sa kabilang pintuan.
“Had an accident just this midnight in our resto, nabiyak ang glass door sa front entrance. I was holding the other half of the door and the other half was still hanging sa itaas. Napaisip ako kung bumagsak yun sa ulo ko sigurado putok ang ulo ko or maybe worse” kuwento ni Dela Fuente.
Sumikat si Claire noong dekada 70s dahil sa kanyang jukebox hits na “Sayang” at “Minsan Minsan.”