-- Advertisements --

Inanunsyo ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kahapon Hulyo 19, ang pansamantalang pagsususpinde sa lahat ng towing at clamping operations sa lungsod.

Ang suspensiyon ay ginawa ng bagong talaga na MTPB Officer-in-Charge na si Narciso T. Diokno.

Sinabi ni Diokno na iniutos niya ang suspensiyon dahil sa “maraming reklamo” at “sa interes na rin ng serbisyo.”

Kung maaalala, sunod-sunod ang naging operasyon ng grupo na kung saan maraming mga sasakyan ang kanilang nasampulan

Nilinaw rin ng bagong upo na opisyal na epektibo kaagad ang kautusan at dapat itong sundin.

Binalaan niya rin ang publiko na ang sinumang sadyang hindi papansinin ang direktiba ay mabibigyan ng kaukulang parusa.