Inihayag ng Department of Transportation na malapit nang matapos ang konstruksyon ng depot ng North-South Commuter Railway (NSCR) sa Clark sa lalawigan ng Pampanga.
Ayon sa ahensya , aabot na sa 82% ang overall progress ng naturang proyekto.
Personal na binisita ngayong araw nina nina DOTr Secretary Jaime Bautista, Undersecretary for Railways Jeremy S. Regino, Undersecretary for Philippine Railways Institute Anneli Lontoc at PNR Chair Ted Macapagal ang lugar kung saan nagpapatuloy ang konstruskyon.
Ang naturang proyekto ay may kabuuang 33 ektarya at may isang stabling yard.
Mayroon din itong integral bridge at 48 depot buildings at facilities.
Sa naging pahayag ni Transportation Sec. Jaime Bautista , full support ang JICA sa naturang proyekto.
Dahil dito, masisiguro ang global standards ng lahat ng mga facilities ng Clark Depot ng North-South Commuter Railway project
Inaasahang magiging malaki ang ambag ng proyektong ito sa pagsisimula ng partial operations ng North-South Commuter Railway sa taong 2027.