Target ng Clark International Airport Corporation na magtayo ng P32 billion entertainment complex sa Clark, Pampanga.
Ayon kay Arrey Perez, president ng Clark International Airport Corporation, nais nilang magkaroon ng venue na kayang i-cater ang mga malalaking concerts. Kasabay nito, layunin din nila na mapataas ang bilang ng mga turista o sa lugar.
Ayon kay Perez, balak din nilang ligawan si Taylor Swift na magkaroon ng concert sa itatayong entertainment complex sa mga susunod na edition nito ng world tour.
Una nang iniulat na dismayado ang fans ni Taylor nang hindi mapabilang ang Pilipinas sa “Eras” tour nito. Huling nag-concert si Taylor sa Pilipinas ay noong taong 2014 pa.
Pero hindi katulad ng Taylor Swifts venues sa Singapore National Stadium at Tokyo Dome sa Japan, na may 55,000 seating capacity, ang planong entertainment complex sa Clark, ay magkakaroon ng nasa 20,000 hanggang 35,000 seats capacity.
“We’ve done some studies. It’s hard to fill up 55,000 seats. Ang pinaka-ideal really is about 25,000 to 35,000 seats kasi, mas maraming events na naho-host,” ani Perez.