-- Advertisements --
Inanunsiyo na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang 19-man pool na magrerepresenta ng bansa sa 2019 FIBA Basketball World Cup.
Pinangunahan ito ni naturalized player Andray Blatched at Filipino-American guard Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers.
Isinagawa ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao ang anunsiyo matapos ang ensayo ng koponan.
Ilan sa mga kabilang sa listahan ay sina Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Mark Barroca, Beau Belga, Robert Bolick, Poy Erram, Marcio Lassiter, Paul Lee, Gabe Norwood, CJ Perez, Roger Pogoy, Kiefer Ravena, Troy Rosario at Matthew Wright.
Nilinaw ni Guiao na mababawasan pa at pagdedesisyunan nila ang final 12 kapag malapit na ang FIBA World Cup.