-- Advertisements --

Nakasama na ng Gilas Pilipinas sa kanilang ensayo ang ilang mga pangunahing manlalaro nila.

Sa pagpapatuloy kasi ng kanilang ensayo sa Philsport Arena ay nakasama na nila si Filipino-American NBA star Jordan Clarkson isang araw matapos na dumating sa bansa at ang 7-foot-3 na si Kai Sotto.

Paglilinaw naman ng kampo ni Sotto na hinihintay pa nila ang final clearance ng kaniyang doctor kung tuluyan na ba itong maaring makapaglaro.

Magugunitang nagtamo ng back injury si Sotto noong naglaro ito sa NBA Summer League.

Ang ensayo ng Gilas Pilipinas ay siyang unang pagkakataon matapos ang isinagawang pocket tournament sa China bilang paghahanda sa FIBA Basketball World Cup sa darating na Agosto 25.