-- Advertisements --
Jazz Jordan Clarkson 1

Inanunsiyo ngayon ang NBA ang pagkakabilang ng Filipino American player ng Utah Jazz na si Jordan Clarkson sa ilang mga pagpipilian sa prestihiyosong Sixth Man of the Year Award.

Ang 28-anyos at 6-foot-4 na si Jordan ay kabilang sa pinaniniwalaang instrumento kung bakit nasa top team ngayon ang Jazz sa Western Conference.

Kabilang sa mga naging highlight sa mga games ni Clarkson ay noong May 10 kung saan kumamada siya ng 41 big points bagamat natalo sila ng Warriors.

Pinuri pa siya ni Jazz head coach Quin Snyder.

“Jordan is mentally tough,” ani Snyder. “When you have a guy that believes in himself and has the confidence he has, I think he’s really able to get to the next play when he misses a shot. He gives himself a chance to do that with his frame of mind — and he competes.”

Dalawa pang iba ang karibal ni Clarkson sa award, ang kanyang ka-teammate at forward na si Joe Ingles at ang New York Knicks guard at dating MVP na si Derrick Rose.

Si Clarkson na ang ina ay isang Pinay, ay dati nang naglaro sa ilalim ng national team ng Pilipinas at nililigawan muli ngayon ng Gilas Pilipinas na makuha muli para sa 2023 FIBA Basketball World Championships.