Lalo pang lumakas umano ang tiyansa ng Filipino American player na si Jordan Clarkson na manalo bilang NBA Sixth Man of the Year.
Ayon sa mga analysis ng mga eksperto, lalo pang umangat ngayon ang performance ni Clarkson dahil sa malaking tiwala sa kanya ng coaching staff ng top team sa NBA na Utah Jazz.
Pagdating kasi sa mga players mula sa bench, si Clarkson ang nangunguna sa mga statistics at ang may pinakamatagal na oras na nakababad sa court.
Ang 28-anyos na si Clarkson ay nasa ikapitong season na ngayon sa NBA at tinawag ng ilang observers na “remarkable” ang kanyang performance.
Kahit nagmula siya sa bench at bilang reserve ng Utah, nag-a-average siya ng 17.5 points kada game, meron din siyang 4.0 rebounds at 34.7% ang accuracy mula sa three-point range.
Tinawag pa ng ilan na napakalaki ng kontribusyon ni Clarkson kaya gumanda rin ang record sa liga ng Utah.
Ang ilan pang top candidates na mahigpit na karibal ni Clarkson bilang NBA’s Sixth Man of the Year ay sina Montrezl Harrell ng Los Angeles Lakers at ang dating MVP noon na si Derrick Rose ng New York Knicks.
Kung maalala si Clarkson, na ang ina ay tubong Bacolor, Pampanga, ay dati na ring naglaro sa Gilas Pilipinas.