Agad na nakapag-adjust sa mga kasamahan nito sa Gilas Pilipinas si NBA player Jordan Clarkson.

Sa dinaluhan nitong practice ng Gilas ay mabilis na nakabuo ng chemistry ang Utah Jazz player sa mga pangunahing manlalaro ng Gilas.

Sinabi ni Gilas assistant coach Tim Cone na may malaking bentahe ang Gilas sa pagkuha nila kay Clarkson dahil sa maraming mga NBA players ang umatras na sa paglalaro sa FIBA Basketball World Cup.

May nakatakdang tune-up games pa sa susunod na linggo ang Gilas laban sa Mexico bago ang pagsisimula ng laban nila sa FIBA Basketball World Cup.

Unang makakaharap kasi ng Gilas ang Dominican Republic sa Philippine Arena sa Agosto 25 para Group A habang susunod ang Angola sa Agosto 27 at Italy naman sa Agosto 29.