-- Advertisements --

Muling bumida ang Flipino American star na si Jordan Clarkson sa panalo ng Utah Jazz laban sa NBA defending champion na Los Angeles Lakers, 111-97.

Nagtala si Clarkson ng 22 points upang muling patunayan na siya ang leading scorer ngayon sa NBA para sa mga players mula sa bench o sixth man.

uTAH jAZZ jORDAN cLARKSON
Fil Am Utah Jazz star Jordan Clarkson (photo @utahjazz)

Kung maalala nito lamang nakalipas na Linggo, si Clarkson din ang nagdala sa team sa kanyang kabuuang 27 points pero natalo sila ng Lakers.

Pero kanina, tuluyang nakaganti ang Jazz upang mapanatili ang pagiging top team sa NBA na meron ng natipon na 43 wins.

Sumuporta rin naman sa Utah sina Joe Ingles na may 21 points kasama na ang limang 3-pointers at si Bojan Bogdanovic na kumamada ng 19 points.

Sa ngayon hindi pa rin naglalaro sa Lakers (35-23) ang mga superstars na sina LeBron James at si Anthony Davis dahil sa injuries.

Sa Utah naman, ang kanilang leading scorer na si Donovan Mitchell ay bigo ring malaro bunsod din ng injury.

Hindi naman naitago ni Lakers coach Frank Vogel ang pagbilib sa Jazz.

“They’re patient,” ani Vogel. “They look for great shots at the rim or great shots at the perimeter.”