-- Advertisements --

Tinambakan ng Utah Jazz ng 23 points ang Los Angeles Lakers nang pahiyain nila ito sa kabuuang score na 139-116.

Nanguna si Lauri Markkanen para sa Jazz ngunit ang tinaguriang star of the show ay ang Filipino-American basketball player na si Jordan Clarkson na nag-ambag ng 22 points, kasama na ang limang 3-point shots at four rebounds.

Ito na ang magkasunod na tinalo ng Utah ang Lakers kung saan hindi naman nakapaglaro si LeBron James na meron ng walong talo.

Namayagpag si Anthony Davis para sa Lakers na may 29 puntos habang tinulungan ni Russell Westbrook upang magdagdag ng 22 points at gumawa ng 5 assists ngunit kinapos pa rin ang team.