Nasa ‘standby’ mode na si Filipino-American player Jordan Clarkson at hinihintay ang tawag sa kaniya ng Gilas Pilipinas para makapaglaro ito sa FIBA World Cup sa China.
Ayon sa Cleveland Cavaliers player na kahit na walang kasiguraduhan na siya ay makakapaglaro ay patuloy ang kaniyang ginagawang ensayo.
Sinabi nito ibang-iba ang pagiging handa sa nasabing torneo sakaling tawagan na siya ni Gilas coach Yeng Guaio.
Isinama kasi ni Guiao ang pangalan ng 27-anyos na manlalaro sa 19-man player na isinumite sa FIBA.
Inaasahan na mapapasama pa rin ang pangalan nito kapag naisapinal na ang bilang nito.
Handa rin aniyang tanggapin nito ang kapalaran sakaling bigo itong matanggap na makapaglaro sa national team ng Pilipinas.
Magugunitang naglaro na sa Gilas Pilipnas si Clarkson bilang naturalized player noong Asian Games sa Indonesia kung saan nagtapos sila sa pang-limang puwesto.