Ipinagmalaki ngayon ni Gennadiy “GGG” Golovkin na ang nakatakdang laban niya kay Sergiy Derevyanchenko ay tatanghalin bilang isang “classic boxing.
Maghaharap ang dalawang magkaribal para sa agawan sa vacant IBF world middleweight title sa October 5 sa pamosong Madison Square Garden sa New York na tinaguriang mecca of boxing.
Sa ginanap na press conference tiniyak nina Golovkin (39-1-1 35 KOs) at Derevyanchenko (13-1 10 KOs) sa mga fans na masusulit daw ang panonood dahil sa asahan na ang umaatikabong bakbakan na masasaksihan sa kanila.
Si Golovkin na dating kinilala bilang unified king ay hangad na mabwi ang korona na kanyang hinawakan sa loob ng tatlong taon.
Target ng Kazakh star na muling malukluk bilang world champion sa 160 lbs at makaharap ang iba pang mga bigating kalaban tulad ng kanyang karibal na si Mexican superstar Canelo Alvarez.
“On October 5th it’s going to be a good fight. Every time I enter the ring, I try to give my fans the fight they want to see, the show they deserve. We will bring Big Drama Show back to the ring of @TheGarden & @DAZN_USA. See you in New York,” ani Golovkin sa isang statement.