-- Advertisements --
Inaalam na ng mga otoridad ang sanhi ng sunog sa isang silid aralan ng Makati Science High School nitong Linggo ng gabi.
Batay sa salaysay ng guwardiya ng paaralan, nakarinig siya ng putok mula sa ika-anim na palapag ng gusali.
Ayon kay fire marshall Supt. Roy Quisto, tupok ang buong Room 611.
Bumigay din umano ang kisame ng silid.
Aabot naman sa P20,000 ang halaga ng mga nasunog na gamit.