-- Advertisements --

Inamin ni Claudine Barretto na na-ghosting o naiwan nito sa ere ang noo’y boyfriend at kapwa artistang si Mark Anthony Fernandez.

Pahayag ito ng bunso sa Barretto sisters kasabay ng pagbabalik sa mundo ng showbiz, bagama’t iginiit na prayoridad pa rin nito ang pagiging isang ina.

Ayon sa ngayo’y 41-year-old actress, dalagita pa lang siya noong maging magkasintahan sila ni Mark kaya naging mapusok ang relasyon ngunit hindi nagkaroon ng pormal na pagtatapos.

“What happened kasi sa amin ni Mark was parang na-ghosting ko yata siya. Siguro, one day we just woke up na parang: Ah okey, mas importante ang career. Kasi at 16, Mark and I were working together already and we were really very young,” ani Barretto sa panayam ng push.

Sa kabila nito, kapwa hindi raw sila nagalit sa isa’t isa pagkatapos ng “ghosting” issue at naging magkaibigan pa sa halip na siraan ang bawat isa.

Paglalarawan pa ni Claudine sa anak nina Alma Moreno at namayapa nang si Rudy Fernandez, “pinakamabait” si Mark sa lahat ng kanyang mga naging kasintahan.

Kamakailan nang malagay sa kontrobersya ang 42-year-old former matinee idol matapos maturukan na ng bakuna kontra Coronavirus Disease dahil pasok daw sa tinatawag na Quick Substitution List.

Minsan din siyang huminto sa showbiz matapos maaresto dahil sa alegasyon ng paggamit daw ng iligal na droga.

Anak nito ang newbie teen actor na si Grae Fernandez.

Hinggil naman sa aktor at nakahiwalayang mister na si Raymart Santiago, may impact aniya ito sa kanya kaya naging mapili na rin sa pagtanggap ng mga script.

“I felt that I had to step back from show business because kailangan ako ng mga anak ko. I don’t want them to feel na one day, paggising nila, wala na silang nanay, wala na silang tatay. It was a very painful decision but of course, at the end of the day, the priority is still my children… I have four kids. It’s such a blessing and I would never ever regret stepping back for them,” saad pa nito.