Inamin ni Claudine Barretto na dumating daw sa puntong dumilim na ang pagtingin niya sa mundo at nakapagsulat na rin siya ng goodbye letter. Kaya naman itinuturing niyang life saver si Star for All Seasons Vilma Santos dahil out of nowhere ay tumawag umano sakanya ang aktres para mangumusta.
Pag-amin ni Claudine, doon na niya ibinihagi kay Vilma Santos ang mga pinagdaraanan niya. Ilang beses din umano siyang binigyan ng payo ng aktres tungkol sa pagsasampa ng kaso laban sa dating asawang si Raymart Santiago gaya ng Violence Against Women and Children o VAW-C, annulment, custody battle, at money and property issues.
Isiniwalat din ni Claudine na dahil sa mga naranasan niya sa dati niyang asawa ay nagkaroon siya ng battered wife syndrome at post traumatic stress disorder.
Pasabog pa ni Claudine, kinuha umano ng dati niyang asawa ang mahigit 100 million pesos na pera niya sa bangko. Hindi niya raw ito inilaban sa korte noon dahil ayaw niyang pumasok sa isipan ng mga anak niya na magnanakaw ang kanilang ama pero ngayon daw na lumalaki ang pangangailangan ng kanilang pamilya dahil gustong mag-aral sa abroad ng kanyang anak ay naisipan na niyang ilaban kung ano ang para sakanya.
Inilarawan ni Claudine na para na siyang Leon ngayon dahil sa ginagawa ni Raymart na pagkuha ng kanyang ari-arian gayundin ang hindi pagbibigay umano nito ng suporta sa mga anak nila.
Ikinasal sina Claudine at Raymart sa isang isang civil ceremony noong 2004 at nagkahiwalay taong 2013.
Wala pang pahayag si Raymart Santiago ukol sa mga ibinunyag ni Claudine Barretto sa interview nito kay Luis Manzano.