-- Advertisements --

Pinawi ng actress na si Claudine Barretto na nasa mabuting kalagayan ito matapos na dalhin siya sa pagamutan.

Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng larawan habang nasa isang ospital.

Hindi naman nito binanggit dito kung ano ang dahilan ng pagkakaospital niya.

Pinasalamatan nito ang mga fans na nagpaabot ng mabilisan niyang paggaling.

Noong Nobyembre ay sumailalim ito sa operasyon sa kaniyang hita subalit hindi na binanggit kung ano ang nasabing dahilan ng operasyon.