-- Advertisements --

Kilala na raw ng kampo ng aktres na si Claudine Barreto kung sino ang nagpapakalat na may utang ito sa kaibigan at kumareng si Jinkee Pacquiao.

Ito ay kasunod ng mga naglabasang chismis na baun-baon umano ang utang ng aktres sa butihing maybahay ng pambansang kamao.

Sa isinagawang live ng aktres, sinabi nito na utang na loob daw ang meron siya sa mag-asawa. Dahil daw hindi pinabayaan ng mag-asawa ang kanyang anak lalo na noong graduation nito.

Kasabay nito ay nilinaw ni Jinkee na walang utang sa kanya ang kumare at masaya pa raw ito na magkaibigan sila.

Hindi naman nagpahuli si Gretchen at pinatutsadahan na naman ang kanyang kapatid na si Marjorie at sinabing ito raw umano ang nagpakalat ng chismis tungkol kay Claudine.