Nilinaw ni Claudine Barretto na masaya ito para sa nabunyag na bagong lovelife ng kanyang dating mister na si Raymart Santiago sa kapwa artista nilang si Jodi Sta. Maria.
Pahayag ito ni Barretto kasunod ng pag-amin na tinawagan nito ang 38-year-old actress upang personal na iparating ang hinaing kay Raymart hinggil sa napapabayaang responsibilidad sa kanilang dalawang anak.
Ito’y kahit una aniyang sumama ang kanyang loob dahil sa iba pa nito nalaman na nagkahulugan na pala ng loob ang dalawa.
Ayon sa 41-year-old actress, naging close pa man din sila ni Jodi matapos magkasama sa isang teleserye noong 2007.
“Ako ang tumawag sa kanya.. Maayos yung pag-uusap namin. Until meron akong isang hiniling sa kanila na umoo sila. Hindi nila… it was for the kids, e. Hindi sila… they didn’t live up kung ano yung promise nila. ‘Yon yung medyo hindi okay. In all ano talaga… happiness lang talaga ang ano ko sa kanila. I think everybody deserves to be happy. Kahit hindi kami nagkakasundo ni Raymart. At the end of the day, I want them to be happy. Kasi, at the end of the day, he’s still the father of my children. And ang akin lang, huwag lang niyang kalimutan ang mga responsibilidad niya,” saad nito sa pep.
Sa panig ni Jodi, nagbakasyon muna ito sa isang farm sa Batangas at makabuluhan ang pahiwatig na iiwan muna nito ang mga mabibigat na bagay.
Si Sta. Maria ay mayroon nang anak sa estranged husband na si Pampi Lacson.