Kinasuhan ni Claudine Barretto ang kaniyang dating asawa na si Raymart Santiago dahil sa bigong magbigay ng sustento para sa mga anak.
Sinabi ng abogado ng actress na si Atty. Ferdinand Topacio, sinampahan nila ang actor ng “economic abuse” at paglabag sa Violence Against Women and their Children Act o Republic Act 9262.
Ayon sa actress na hindi nagbigay ng P100,000 na sustento kada buwan ang actor para sa dalawang anak nila.
Ang nasabing halaga ay kanilang napagkasunduan noong sila ay nagpasyang maghiwalay.
Isinampa ang kaso sa Marikina City Prosecutor’s Office at magsisimula ang pagdinig sa kaso sa Disyembre 10.
Ikinasal ang dalawa noong Mayo 2004 kung saan mayroon silang dalawang anak na 16-anyos na si Sabina at Santino na 13-anyos.
Naghiwalay ang dalawa noong Mayor 2013.