Nakatanggap na ng Pfizer vaccines ang bayan ng Claver, Surigao del Norte.
Aabot sa 1,170 doses ng Pfizer -BioNtech na bakuna kontra sa Coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang dumating sa Claver,Surigao del Norte insankatong alas 11:30 kahaponng umaga na personal rin tinaggap ni Claver Municipal Mayor Georgia D. Gokiangkee.
Nabatid na ang bayan ng Claver ang pinakaunang nabigyan ng Pfizer-BioNtech sa Mindanano matapos unang nakabili ng ultra-low temperature freezer.
Aabot aniya sa 585 na mga tao ang kayang bakunahan sa dumating bakuna na dalawang beses ituturok.
Pinangunahan nila Meriam O. Ceredon Pharmacist sa Provincial DOH Office ng Surigao del Norte at . Lyn Ivonnie De Chavez , Pharmacist ng DOH Doongan warehouse ang pag-abot ng bakuna kay Mayor Gokiangkee kasama ang mga representatives ng DOH Caraga at ng FDA.
Inaasahan na matapos ang pagdating ng Pfizer vaccine sa Claver dadami ang tao lalo na ang nasa sa priority A1 hanggang A5 ang gustong magbakuna.