-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang Masbate.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang epicenter ng lindol sa distansiyang 31 kilometers Southwest ng Claveria bandang ala-1:01 ng madaling araw.
May lalim itong 13 kilometers at tectonic in origin.
Wala namang naiulat na danyos sa naturang lugar at inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.