Layon ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng mga clear markings o signages, stanchions at bridgeway sa mga busway para sa mas mabilis na pagberepika kung mga busway passengers o mga MRT passengers ang mga commuter na sumasakay dito.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, sa kaniyang naging pagbisita sa mga estasyon ng MRT at maging sa busway lanes sa Metro Manila, napansin niya na mahirap ma-identify kung saan ang pila para sa mga sasakay ng MRt at mga sasakay naman ng mga bus.
Ani Dizon, nakikitang solusyon ng departamento ang pagbuo ng mga bridgeway para sa mga busway passengers na hiwalay sa MRT para sa mas mabilis na daloy ng pila at maiwasan din aniya ang siksikan.
Dagdag pa ng kalihim, ang paglalagay din ng mga signages o mga clear markings upang maiwasan din ang pagkalito ng mga commuters kung saan nga ba ang kanilang tamang sakayan.
Isinama na rin ni Dizon ang paglalagay umano ng mga separator o mga stanchions sa mga linya ng mga pasahero para sa mas mabilis na identification ng mga ito.
Samantala, isa pa lamang ito sa mga uumpisahang proyekto ng departamento para sa mas mainam na transportasyon ng mga komyuters sa Maynila.
Sa ngayon ay patuloy naman ang pakikipagugnayan ni Dizon sa mga ahensya at ilang mga attached agencies para sa mas mabilis na implementasyon ng mga proyekto ngayong taon.