-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Lalo pang pinaigting ang paglilinis sa mga kalsada sa bayan ng Kalibo sa pamamagitan ng simultaneous inter-agency clearing operations.

Ang operasyon ay kinabibilangan ng Land Transportation Office (LTO), Highway Patrol Group (HPG), Kalibo Police Station at Kalibo Auxilliary Police.

Nagtulungan ang mga ahensiya ng pamahalaan pati ang lokal na gobyeno ng Kalibo upang maramdaman ng mga motorista ang instriktong pagpapatupad ng mga ordinansa sa kalsada.

Ang operasyon ng grupo ay nakatutok sa kaligtasan sa daan, paglilinis sa mga sagabal sa kalye at sidewalks.

Sinita ang mga nakaparadang sasakyan at motorsiklo sa mga pinagbabawal na lugar at binigyan ng citation tickets.

Sa ngayon ay nagpapatuloy rin ang Operation Baklas ng LGU-Kalibo sa mga sagabal sa daan.