-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ang sinabi ni MMDA Special Operations Group Head Gabriel Go, sinabi nito na ang paggamit ng Mabuhay lane ay malaking pakinabang sa lahat ng motorista upang makaiwas sa bigat ng trapiko.

Pinaliwanag pa nito ang responsibilidad ng kanilang ahensya ay mag-patupad ng mga rules hindi lamang sa darating na holiday season kung hindi sa pang araw-araw na sitwasyon.

Panawagan pa ni MMDA Chief Go, na iwasan na aniyang gawing park ang interconnection point o mabuhay lane ito’y upang maiwasan rin ang bigat na alalahanin sa pagmumulta. Kasama rin sa mga ipapatupad ng MMDA ang pagtatangal ng mga nagtitinda sa mga sidewalk.