NAGA CITY- Nakatakda ng magsagawa bukas Nobyembre 30 ng clearing operations ang ilang ahensiya ng gobyerno bilang paghahanda sa pagtama ni Bagyong Tisoy.
Sa naging pulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) itinalaga ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagputol ng mga punong kahoy na posibleng matumba ng malakas na bagyo.
Sa darating naman na Linggo inaasahang magsagawa ng pre-emptive evacuation upang matiyak ang kaligtasan ng mga residenteng nasa danger zone o high risk areas.
Isa sa mga babantayan ng lokal na pamahalaan ay ang Partido area partikular na ang bayan ng Sagñay na siyang lubhang naapektuhan ng bagyong Usman noong nakaraang taon.
Samantala, pinag-iingat naman ng PDRRMC ang lahat ng mga nasa baybaying dagat sa banta ng storm surge.