BAGUIO CITY – Patuloy pa rin ang isinasagawang clearing operation ng mga otoridad sa Sagada, Mt. Province matapos ang bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at militar.
Unang nasawi ang isang miyembro ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB-15) na si Corporal Jordan Manawa habang nasugatan naman si Pvt. Melvin Modes habang nakikipagbakbakan ang mga ito sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) noong nakaraang linggo.
Ayon kay Corporal Clarence Casilio, provicial director ng Mt. Province, negatibo ang resulta ng kanilang pag-ikot sa pinangyarihan ng insidente maliban lamang sa nauna nang natagpuang dalawang landmines.
Sinigurado rin nga mga otoridad ang seguridad ng mga mamamayan ng Sagada, Mt. Province ukol sa mga improvised explosive devices (IED).
Samantala, nasa maayos nang kalagayan ang nasugatang miyembro ng RMFB habang naiuwi na rin ang bangkay ng nasawing sundalo.
Sa ngayon ay mahigpit ang koordinasyon ng Philippine Army sa pamilya ng nasawing sundalo para sa pamamahagi ng tulong sa nasabing sundalo.