Siniguro ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Romando Artes na sa kabila ng Semana Santa ay magpapatuloy sa implementasyon ng kanilang mandato ang kanilang tanggapan.
Kasunod nito ay tiniyak ni Artes na sa kabila ng Holy Week ay magpapatuloy ang clearing operastions sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at titiyaking walang lalabag sa mga ito.
Layon kasi ng tanggapan na gawing malinis pa rin ang mga daanan para sa ikakasang road-reblocking sa mga pangunahing kalsada.
Samantala, iminungkahi naman ni Artes na magpapatuloy pa rin ang kanilang opisina sa pagtupad ng kanilang mandato sa kabila ng mga naging isyu na kinaharap ng kanilang mga operasyon.
Sa ngayon ay nakahanda na ang kanilang pamunuan para sa inaasahang Holy Week exodus sa susunod na linggo.