-- Advertisements --

Nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang clearing operations sa Marawi kung saan patay ang isang miyembro ng Maute terror group sa panibagong enkwentro kaninang umaga.

Ayon kay JTF Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner tatakas sana mula sa main battle area ang napatay na terorista.

Nakita ng mga tropa ang nasabing terorista habang nagsasagawa ng clearing operations.

Aniya, may nakita din ang tropa noong isang araw na dalawang indibidwal na nagtangka namang pumasok sa main battle area at isa dito napatay ng mga sundalo.

Malaki ang posibilidad na nais ng mga ito iligtas ang mga natitirang terorista sa loob.

Hindi naman matiyak ng militar kung ilan pang mga Maute terrorist ang nagtatago pa rin sa main battle area.

Binigyang-diin naman ni Brawner na ang presensiya ng mga natitirang terorista ay hindi na banta sa seguridad.