Simula bukas, ipagbabawal na ang mga “clearly marked government vehicles” sa paggamit ng EDSA Bus Carousel o busway, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Inihayag ni acting MMDA Chairman Romando Artes sa isang press briefing noong Nobyembre 16 na ang mga government vehicles ay “hindi kasama sa listahan.”
Inilabas aniya ng Department of Transportation (DOTr) ang updated na listahan ng mga sasakyang pinapayagang dumaan sa EDSA Bus Carousel: mga bus na awtorisado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board kabilang ang mga may dalang special permit; mga on-duty na ambulansya, fire trucks; police vehicles; service vehicles na kabilang sa pag-maintain ng busway.
Ayon sa DOTr, kasama rin sa updated na listahan ang mga convoy ng Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker at Chief Justice.
Maaaring pagmultahin ng hanggang P30,000 ang mga nagmamaneho ng iba pang sasakyan na hindi nabanggit sa listahan at ma-revoke ang kanilang driver’s license.