Pinayuko ng Cleveland Cavaliers ang katunggali nitong Miami Heat sa score na 100- 97 sa katatapos pa lamang na laban ngayong araw.
Pinangunahan ng 27 year old small forward na si Caleb Martin ang Heat matapos itong umiskor ng kabuuang 18 points at 10 rebounds dahilan upang umabante at lumamang ang kanilang team.
Binuhat rin ng 21 year old power forward na si Evan Mobley ang Cleveland at nagposte ito ng 19 points , 7 rebounds at 4 assist.
Sa kasalukuyan, ang Miami Heat ay mayroong record na 29 wins – 23 loses at ang Cavaliers naman ay may record na 31 wins at 22 loses.
Samantala para sa mga fans ng National Basketball Association na nag-aabang ng latest standings para sa Eastern at Western Conference ng NBA.
Nangunguna pa rin ang Boston Celtics sa Eastern Conference na may solidong 36 wins at 15 loses.
Sinusundan naman ito ng Milwaukee Bucks na may solido ring 33 wins at 17 loses habang ikatlo naman sa naturang standings ang Philadelphia 76ers na may malinis na 32 wins at 17 loses.
Sa Western Conference naman ay namamayagpag pa rin ang Denver Nuggets bitbit ang kanilang record na 34 wins at 16 loses.
Pumapangalawa naman ang Memphis Grizzlies na mayroong 32 wins at 18 loses habang nasa ikatlong pwesto ang Sacramento Kings na may 28 wins at 21 loses ngayong season ng National Basketball Association.