Inaasahang lalo pang lalakas ang kampanya ng pamahalaan kontra climate change kasabay ng panibagong pagpasok ng $13.5 billion na pondo mula sa mga development partners ng bansa.
Batay sa datus ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang climate action initiative ng pamahalaan ay sinusuportahan ng hanggang 31 development partners mula sa iba’t ibang mga sektor.
Ito ay bumubuo ng hanggang 94 na proyekto kung saan 23 rito ay pinondohan ng loan at siyang bumubuo ng 96% sa $13.5 billion na pondo.
Kabilang sa mga sektor na ipinukos ang mga proyekto ay ang transportasyon, pagsasaka, waste and industrial process, at energy sector.
Sa ilalim na lamang ng transport sector, ang mga proyekto rito ay mayroon nang hanggang $11.79 billion na pondo at ginagamit sa 21 projects, 19 dito ay nagpapatuloy na habang ang dalawa ay sisimulan pa lamang.
Mayroon namang $81 million grants para sa agriculturew sector na sumusuporta sa livelihod ng mga magsasaka at pagpapapasok ng smart agricultural technologies.
Sa ilalim ng waste and industrial proces sector, mayroong mahigit $20 million na pondong ginugugol dito.
Ilan sa mga development partners ng DENR ay ang Japan International Cooperation Agency, United States Agency for International Development, European Union, United Nations Development Program and World Food Program, World Bank, atbpa.