-- Advertisements --
Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na climate change ang dahilan kaya nakararanas ng malakas na bagyo at pagbaha ang bansa gaya nang nangyari sa Isabela at Cagayan.
Sinabi ni Pangulong Duterte, ang mainit na klima sa Pacific Oceabn ang sanhi ng malakas na water vapor at nabubuong ulan.
Ayon kay Pangulong Duterte, binigyang-diin niya sa katatapos na virtual 37th ASEAN Summit ang kahalagahan na tugunan ang climate change.
Inihayag ni Pangulong Duterte na gumamit siya ng matatapang na lenggawahe sa ASEAN Summit para ipunto kung ano ang ginagawa ng ibang taong nagdudulot ng global warming.
Nakadidismaya umanong nasisi ang Pilipinas sa global warming gayung kakaunti lang naman ang pabrika sa bansa.