-- Advertisements --

Inihayag ng mga siyantipiko na ang nangyaring wildfires sa Los Angeles, U.S.A noong Enero 7, 2025 ay dulot ng climate change kung saan nagresulta ito sa pagkamatay ng hindi bababa sa 28 katao at pagkawasak ng mahigit 10,000 na mga kabahayan.

Ayon pa sa mga siyentipiko, malaking bahagi ng pinsala ang dinulot ng pagbabago ng klima. Sa mga pag-aaral ng World Weather Attribution network, ang mga mainit, tuyo, at mahangin na kondisyon ang nagpapalakas sa mga sunog posibleng mas tumaas dahil sa global warming.

Ipinagbigay-alam din ng mga eksperto na maaaring tumaas pa ito ng 35% kung ang global temperature ay umabot sa 2.6°C pagsapit ng taong 2100.

Ang naturang sunog din ay pinalakas ng matinding “Santa Ana” na hangin at tagtuyot na kondisyon ng lugar mula pa noong buwan ng Mayo 2024, pati na rin ang paglago ng mga halaman dulot ng mga tag-ulan noong nakaraang dalawang taon, na nagbigay ng karagdagang fuel sa apoy.

Natuklasan pa sa pag-aaral na ang mainit at tuyong kondisyon sa lugar ay tumatagal ng karagdagang 23 araw kada taon, at patuloy na lumalapit umano ang mga ito sa ‘Santa Ana’ winds na nagpapalaganap pa ng mga wildfire.

Sa kanilang kasalukuyang pagsusuri, at sa real-world weather data analysis nito, ay nagpakita ng pagtaas ng pagulit muli ng LA wildfires.

Bagama’t ipinakita sa climate models para sa kanilang mga pagsusuri na may epekto ang pagbabago ng klima sa mga mainit, tuyo, at mahangin na kondisyon, gayunpaman hindi nila nakikita na malaking epekto ito sa pag-ulan o kahit pa magtapos ang naturang wildfire season.