-- Advertisements --
image 253

Nagbabala ang Global Fund to Fight AIDS, Tuberculosis and Malaria na maaaring hahantong sa pagkamatay ng maraming tao ang climate change.

Ito ay dahil pinapalakas nito ang infectious diseases.

Ayon kay Executive director Peter Sands, nasaksihan ng kanilang grupo nitong taon ang lumalalang epekto ng pagbabago ng klima sa kalusugan ng tao.

Aniya, tumataas ang kaso ng malaria
dahil sa pagtaas ng frequency at devastation ng tropical storms gaya ng nangyaring pagbaha sa Pakistan.

Sinabi ni Sands na ang mga bahagi ng Africa na dati ay hindi naapektuhan ng malaria ay nagiging panganib na ngayon habang tumataas ang temperatura at nagpaparami ng mga lamok.

Gayunpaman, ang populasyon sa mga nasabing lugar ay hindi magkakaroon ng immunity, na nagreresulta sa panganib ng mas mataas na mortality rate.

Kabilang sa iba pang banta ang paglaganap ng tuberculosis sa dumaraming bilang ng mga lumikas na tao sa buong mundo.

Idinagdag pa nito na ang kawalan ng food security ay magdudulot din ng sakit sa mga tao.

Top