-- Advertisements --

Sinuspendi ng Brazil ang clinical trials ng COVID-19 vaccine na gawa ng China.

Ayon sa National Health Surveillance Agency (Anivsa ng Brazil na kanilang pag-aaralang mabuti ang bakuna kung mayroon ba itong panganib sa kalusugan.

Sinimulan kasi ng Sinovac company mula sa China ang Phase 3 clinical trials ng kanilang CoronaVac Vaccine sa tulong ng Butantan Institute sa Sao Paulo noong Hulyo na mayroong 130,000 na volunteers.

Bukod sa Brazil ay isinasagawa ng kumpanya ang Phase sa Indonesia at Turkey.

Tiniyak ng Sinovac na ligtas ang kanilang mga bakuna.