-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinatigil ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang pagsasagawa ng clinical trial ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine sa Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na hindi nagsagawa ng koordinasyon ang dalawang doktor at maging ang Chinese pharmaceutical company upang turukan ng hindi pa aprubadong bakuna ang mga residente ng Iloilo City.

Ayon sa alkalde, 600 ang target respondents ng bawat doktor kung saan bibigyan ito ng P20,000 bawat maturukang tao o kabuuang P12 million.

Napag-alaman na binabayaran ng P5,000 ang bawat respondents sa clinical trial kapag maturukan na ng full doses ng COVID-19 vaccine.