-- Advertisements --
Nakatakdang simulan ang clinical trial sa anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga asymptomatic at mild COVID-19 patients na nasa isolation facilities sa araw ng Biyernes, Oktubre 15.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato de la Peña, magtatagal ng walong buwan ang naturang pag-aaral na layong ma-assess ang efficacy, safety at epekto sa viral clearance ng Ivermectin sa partikular na mga pasyente.
Nasa kabuuang 1,464 na asymptomatic at non-severe COVID-19 patients na edad 18-anyos ang kalahok sa clinical study.
Posibleng ilabas daw ang interim analysis report ng clinical trials ng Ivermectin sa kalagitnaan ng buwan ng Disyembre.
Nauna nang naglaan ang gobyerno ng P22 million para sa pagsasagawa ng Ivermectin clinical trials.