-- Advertisements --

Hindi na itutuloy ang clinical trial sa Pilipinas para sa kontrobersiyal na anti-parasitic drug na Ivermectin bilang COVID19 treatment.

Inanunsiyo ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato de la Peña na batay sa rekomendasyon ng DOH at ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) Governing Council na napadesisyunang huwag ng ituloy ang pag-aaral para evaluate ang efficacy, safety at epekto ng viral clearance ng Ivermectin sa mga COVID19 patients.

Sa gagawin sanang clinical trial, pag-aaralan kung paano ang magiging respond ng mga partcipants at kung mayroong adverse effects. Mahigit 1000 ang non-severe patients ang kailangang na makilahok sa clinical trials kabilang ang mga mild at asymptomatic cases.

Ipinaliwanag ni De la Pena na ang ialn sa mga dahilan kung bakit hindi na isusulong pa ang clinical trial ng ivermectin ay dahil sa pagkaantala sa deliverables at kawalan ng clinical benefits ng ivermectin base sa isinagawang pag-aaral gayundin ang issuance ng rekomendasyon laban sa paggamit ng ivermectin at availability ng effective therapeutics para sa early phases ng COVID19.

Maaalala na naging mainit na debate ang paggamit ng ivermectin upang gamutin ang COVID19 patients sa bansa matapos na himukin ng ilang physicians kabilang ang ilang kongresista ang gobyerno na gawin itong available sa mga pasyente ng COVID-19 na hindi makapasok sa ospital noong kasagsagan ng surge ng respiratory illness sa bansa.