-- Advertisements --

Sinimulan na ang clinical trial ng mix and match (MnM) ng magkakaibang brand ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas kasunod ng pag-apruba ng FDA.

Ayon kay Usec. Rowena Guevara, nagsimula na ang clinical trial sa lungsod ng Marikina City nitong nakalipas na Biyernes at sa Muntinlupa City naman ay sisimulan sa susunod na linggo.

Magsasagawa rin ng clinical trials ng mix and match sa iba pang lungsod gaya ng Davao, Manila at Dasmarinas, Cavite.

Nasa P204 million ang inilaang pondo para sa MnM clinical trial at pinakamalaking gastos dito ang mga test na gagawin sa mga participants.

Ang mga kalahok sa clinical trial ay mga edad 18-anyos pataas at hindi pa nabakunahan ng COVID-19 vaccines.

Ang pangunahing bakuna na gagamitin sa MnM trial ay ang bakunang Sinovac dahil mas maraming itong suplay ngayon sa bansa kaysa sa ibang brand ng COVID-19 vaccines.